Sabado, Disyembre 20, 2014

Boardinghouse Chapter 20

Boardinghouse
by suicideking
Part 20 Jona's Brother
Pinili ko ang alam kong tama, hindi ko ginalaw si Jona. Nangibabaw sa aking sarili
ang pagiging kaibigan, nakuntento ako sa kanyang mga yakap at nag - iisang halik. Sa
tindi ng aking kalibugan ay naging kakaiba sa akin si Jona, nakita ko na ang
kanyang puwit, nakita k o na siyang nakapanty, naramdaman ko na ang kanyang mga
suso, ngunit hindi ito naging dahilan upang siya ay aking pagnasahan.
"good morning Bogart..." bati sa akin ni Jona kinabukasan at nakayakap pa din siya.
Ibig - sabihhin nito ay alam niya ang kanyang ginawa kagabi. Alam niya na siya ay
humalik at yumakap sa akin.
"good morning Jona..." balik ko naman.
"hindi ba nakakahiya kay manang dito ako nakitulog? hihi!" tanong niya sa akin.
"ah hindi naman siguro, saka nakatulog ka naman na e heheh" sagot ko.
Inialis ni Jona ang pagkakayakap niya sa akin, bumangon at muling nagsalita. Halos
hindi ko naintindihan ang mga salitang kanyang binitiwan, nakatitig kasi ako sa
kanyang angking kagandahan. Tama ang kasabihan, malalaman mo ang tunay na gandang
pisikal ng isang babae kapag nakita mo siya pagkagising sa umaga.
"huy! natulala kana naman!" biro pa niya sabay tapik sa aking tiyan.
"ang ganda mo pala pag umaga bagong gising Jona hehe!" pabiro kong wika.
"bola na naman yan! hihi!" sagot niya.
"wala ba akong good morning kiss?" pahabol ko naman.
Tumaas ang kilay niya, akala ko ay magagalit ang dalaga. Sa kanyang pagkakaupo sa
aking kama ay muli siyang humiga at inilapit ang kanyang mukha sa aking pisngi.
Napapikit ako sa kanyang paglapit, inasahan ang pagdamp ing muli ng kanyang malambot
na labi. Hinalikan akong muli ni Jona sa aking pisngi.
"oh ayan ha, nakarami kana..." sambit pa niya.
Hindi na muling nagsalita si Jona, hindi siya galit, hindi niya inisip na nag take -
advantage ako. Tila normal ang lahat sa amin, at alam kong nadagdagan pa ang tibay
ng aming samahan. S imula noong umagang iyon ay tanging mga ngiti ang namutawi sa
aming mga sarili. Nagkaunawaan na kami kahit walang usapan, sabi nga nila - t he
feeling is mutual. Hindi naman kami naging magsyota , w alang holding hands, walang
PDA, ngunit paglabas namin ng aking silid ay alam namin sa aming sarili na ang
isa't isa ay aming itinatangi.
"hatid na kita?" wika ko pa sa kanya matapos niyang magpalit muli ng kanyang
pantalon.
"oh sige, kahit sa kanto na lang Bogart, magtataxi nalang ako" sagot naman niya.
"no hindi, gusto ko makita na safe ka nakauwi sa bahay ninyo" wika kong muli.
Siguro ay batid na niya ang antas ng aking "care" sa kanya, pinayagan naman niya
akong maihatid ko siya sa kanilang bahay. Matapos akong maligo ay mabilis kaming
umalis ng aming boarding house. Hindi ko na nakita si manang Monica noong umaga na
iyon pero may nakahain namang pagkain sa lamesa nang kami ay umalis. Tuluyan kong
naisantabi ang alindog ni manang Monica, maging ang sarap ng katawan ng kanyang
kapatid na si ate Mimi.
Sa loob ng taxi ay hindi naman kami nailang sa isa't isa ni Jona, dati pa rin sabi
ko nga, walang pagbabago. H indi naman na namin napagusapan ang nangyari kagabi,
siguro dahil liberated ang paglaki niya ay hindi ito big deal para sa kanya. M uli
naman niyang ipinakita ng kanyang paglalambing, ihinilig niya ang kanyang ulo sa
aking balikat, ipinatong ko naman ang aking kamay sa kanyang isang hita bilang
pagtugon sa kanyang paglalambing.
= Page 68 =
69
"kain na muna tayo kaya Bogart?" wika ni Jona.
"ah o sige, saan?" sagot ko naman.
"manong sa Session nalang po , sa mcdo" wika ni Jona sa driver ng taxi na aming
sinasakyan.
Pinagsaluhan namin a ng masarap na umagahan, hindi man ako mahilig sa fastfood noon
ay tila bawat su bo ko ay mahalaga. Naging mas "sweet" pa si Jona sa palagay ko,
tama ba itong nararamdaman ko?
Dahil sa wala pang cellphone noon, meron man ay ito yung parang pangkudkod ng yelo
na may kamahalan pa, halos ayoko nang kami ay maghiwalay. Hindi ko kasi alam kung
kelan kami magkikitang muli, tiyak kasing mami - miss ko ang dalaga lalo pa ngayong
kami ay nagkakaigihan na. Muli kaming sumakay ng taxi, papunta na sa kanilang bahay
sa Green Valley. Sa loob ng sasakyan ay tahimik ako maging ang aking kasama.
Kinausap n i manong ang driver sa wikang Ilokano, matapos nito ay tila nagkasundo
sila at sinabi naman din niya sa akin ang kanilang pinagusapan.
"kay manong kana din sumakay pabalik, mahirap maghintay ng taxi sa lugar namin e"
wika niya.
Sumangayon naman ako, an o ba ito, tila kahit maliit na bagay na kanyang ginagawa ay
akin nang pinapahalagahan. Naging masaya naman ako dahil pagbaba ni Jona ay nag -
iwan naman siya ng isang matamis na ngiti. Hindi man niya ako hinalikang muli ay
tama na ang tamis sa kanyang mga la bi, hindi pa kasali dito ang kanyang muling
plano.
"aalis ka ba bukas? punta nalang ako sa inyo pag wala akong gagawin" paalam niya.
Halos ako ay nasa ibabaw ng mga ulap. L umilipad ang aking isipan habang ako'y lulan
ng taxi pabalik sa aming tahanan. S in ariwa kong muli ang bawat sandaling magkasama
kami ni Jona. Mas masarap pala ang feeling, paano pa kaya kapag may libog nang
kasama?
Lumipas ang ilang araw, hindi ko naman nakitaan ng anumang kakaibang asal si manang
Monica. Hindi naman din siya umiwas sa a kin dahil sa pag - uuwi ko ng babae sa aming
boarding house. Sumapit ang unang linggo ng pangalawang semester at ang pagiging
close namin ni Jona sa isa't isa ay hindi nagbago, napagkakamalang magsyota nga
kami ng aming mga kaklase dahil sa pagiging malapi t at kung minsan ay sweet namin
sa isa't isa. Hindi naman na naulit ang pagpunta niya sa aming boarding house, pero
sapat na ang makita ko siya sa araw - araw.
"bye Bogart..." paalam niya sa akin isang hapon matapos ang aming klase.
Oo at nagpahatid sa aki n si Jona sa kanilang bahay dati, pero hindi na din naulit
iyon. Tuwing matatapos ang aming araw ay lagi nalang niyang sinasabing wag ko na
siyang ihatid, hindi ko naman na iyon kinwestyon bilang pag - galang na din. Subalit
isang hapon ay hindi ko alam kung bakit naisipan kong sundan si Jona at alamin kung
ano ang kanyang ginagawa kapag kami ay naghihiwalay na ng daan. D ati pa din naman,
nakita ko ang isang kotse na makapal ang tint. Sabi niya dati ay kapatid niya iyon
at madalas siyang sinusundo. Ngunit sa pagkakataong ito ay bumaba ang "kapatid" ni
Jona, sa unang pagkakataon ay akin itong nakita.
Nabuong muli ang aking hinala, hindi niya iyon kapatid. Sa kilos at galaw kasi ng
lalaki ay tila inaaway niya si Jona. Sa distansya ng aking pwesto ay naririnig k o
ang wikang Ilokano, pero batid ko na sila ay nag - aaway dahil sa mataas ang boses
nila. Pinili ko nalang na manatili sa aking kinaroroonan, baka kasi kapag nilapitan
ko sila ay magalit pa sa akin si Jona dahil sinusundan ko pa siya. Nagsindi ako ng
isang sigarilyo habang pinapanuod ang kanilang salitaan, nang biglang may lumapit
sa akin na dalawang lalaki. Sa tantsa ko ay ka - edad ko lang sila dahil hindi halata
sa kanilang mukha ang katandaan ng itsura.
"pre, kilala mo ba yun?" tanong ng isa sa akin.
"oo e, kaklase ko yung babae" sagot ko naman.
= Page 69 =
70
Hindi ko naman alam na ang dalawang lalake pala na kausap ko ay kasabwat nung
"kapatid" ni Jona. Yung nagtanong sa akin ay maayos naman subalit nang sumabat ang
isa ay dito ko napagtanto na may masamang mangyayar i.
"ukinam! kunyari ka pa!" sabay sapak sa aking mukha ng lalaki.
Nagkaroon ng kumosyon, nagkagulo sa harap ng tindahan sa may Bonifacio. Hindi naman
sa akin iba ang suntukan, sanay na ako dito dahil sa aking kinalakihang paaralan
dati ay napabilang din ako sa maliit na fraternity. L umaban ako at nakasapak naman
kahit paano, yun nga lang, dahil sa dalawa sila ay hindi ko talaga kaya. Narinig ko
nalang ang sigaw ni Jona habang nagpapambuno kami ng aking mga kaaway.
"tama na yan! JP awatin mo naman!" sigaw ni Jona.
Siguro dahil sa gulo ay nakita ni Jona na ako pala ang kasali dito. Ngunit sa halip
na umawat ang "kapatid" ni Jona ay siya pa itong humawak sa aking isang braso,
dahilan upang malugi ako, tatlo laban sa isa. Hindi naman nagtagal ay may ilang
ka lalakihang tumatakbo palapit sa amin. Sinapak nung isang mestiso yung "JP",
napabitiw sa aking braso at yung dalawa ay kumaripas na ng takbo.
Ilang sigawan ang aking narinig, hindi ko maintindihan ang salita pero ang tanging
narinig ko lang ay ang pangala n ng isang frat. Nagkatitigan kami ni Jona nang
humupa ang gulo, kita kong umiiyak si Jona, may luha sa kanyang mga mata. Hindi na
siya nakapagsalita pa dahil kaagad siyang hinatak ng "kapatid" daw niyang si JP at
sapilitang isinakay ng kotse. D uguan ang a king nguso, binigyan ako ng panyo ng
isang lalaki na sumugod din kanina upang itaboy ang mga nambugbog sa akin.
"pare ok ka lang? kaaway mo ba yun? kilala mo ba yung babae?" tanong sa akin.
"classmate ko yun babae, salamat pare tinulungan nyo ako" sagot ko naman.
"mga gago talaga mga yun, kaaway ng frat namin yun, sabi ko naman wag sila mang -
gugulo dito sa teritoryo namin" patuloy niya.
Napag - alaman kong taga kabilang unibersidad pala ang dalawang lalaki at maging ang
"kapatid" ni Jona. Kaaway na frat n ila iyon sa UB.
"siguro pare nakita kang kasama mo yung babae, seloso yata yung hayup na JP na yun
e" wikang muli ng lalaki.
Inalalayan nila ako patayo, at kinalinga. Hulog sa akin ng langit ang kalalakihang
tumulong sa akin, kung hindi dahil sa kanila a y malamang sa ospital na ako
pupulutin. T aos puso akong nagpasalamat, laking tuwa ko pa nang ang isa pala sa
kanila ay kaparehas ko ng kurso.
"diba arki ka? oo arki ka, nakikita kita sa 7th floor e" wika nang isa.
"ako nga pala si Estong..." pakilala niy a sabay abot ng kamay.
"ah, Bogart pare, salamat ulit" wika ko.
Nagkaroon ako ng kaibigan ng di oras, hindi na muna ako umuwi noong gabing iyon. Sa
itsura kasi ng aking mukha ay tiyak na tampulan ng tukso ang magaganap sa aming
boarding house. N iyaya at isinama ako ni Estong sa kanilang apartment, ipinakilala
din niya ako sa kanilang frat at hindi ko naman alam kung bakit parang binigyan
nila ako ng " proteksyon " . B ilang pagpapasalamat na din ay ako ang naging taya sa
inuman, daan na din iyon upang pag - isi pan ko at unawain ang mga nangyari.
Nagsinungaling kasi sa akin si Jona, kung kailan nahuhulog na ako sa kanya ay saka
pa magiging malala. Ang "kapatid" niyang sinasabi ay BF pala niya, na miyembro ng
kaaway na frat nila Estong.
Nanghinayang talaga ako, a kala ko jackpot na. Ganunpaman ay hindi naman ako
nangamba, nagbigay daan ang gulong iyon sa panibagong yugto ng aking buhay.
Siguradong magiging malapit kami ni Estong, dahil sa parehas kami ng kurso .
itutuloy

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento