Sabado, Disyembre 20, 2014

Boardinghouse chapter 1

Boardinghouse
by suicideking
Muli nating ibalik ang nakaraan, ito ang aking buhay bago pa man ako dumayo sa
Kamaynilaan , ito ang aking istorya bago ang "Apartment" . Sa Lungsod ng Baguio ko
hinubog ang aking karera ng buhay, at doon ko din hinasa ang aking kaalaman sa
m undo ng kalaswaan.
Mga Pangunahing Karakter:
Bogart - 16 taong gulang, bagong salta sa Baguio upang doon mag - aral ng pagiging
arkitekto. Payat ang pangangatawan, at katamtaman ang kulay.
Anne - kapitbahay ni Bogart sa tinutuluyang bahay, maputi at magand a ang
pangangatawan.
Monica - landlady ni Bogart sa inuupahang tirahan, 35 taong gulang.
Bert - asawa ni Monica, isang enhinyero, tubong Baguio, 36 taong gulang at may
lahing Igorot.
Erick - boardmate ni Bogart, unang naging kaibigan sa Baguio.
"Board ing House"
Part 1 Culture Shock
Ako si Bogart, dayuhan akong maituturing sa bulubunduking lungsod ng Baguio, taga
"lowlands" ang turing sa iyo kapag hindi ka tagarito. Taong 1998 nang ako'y
magtungo dito sa malamig na lugar na ito sa Pilipinas upang tupa rin ang aking
pangarap, ang maging isang arkitekto. Apat na oras ang byahe mula sa aming
probinsya , bakit ako napadpad sa lugar na ito? Hayaan nyong ilahad ko muna sa inyo
ang ilan sa mga dahilan nito.
Napagkasunduan kasi namin ng aking unang girlfriend n oong highschool (fourth year
ako at third year siya) na dito kami mag - kolehiyo. Syempre dahil ako ang mas
naunang makatapos sa kanya, ako ang nauna na dito sa Baguio. Sa kasamaang palad ay
naging "ex" ko ang aking unang kasintahan. Bago pa man magpasukan p ara sa first
semester ko ay iniwan na niya ako, hindi daw niya kaya ang long distance
relationship. Sa akin ay ayos lamang, tutal wala namang mawawala pero ganunpaman ay
mayroon ding panghihinayang dahil siya ang una kong karanasan, at ako din ang naka -
dev irginized sa kanya. I binigay niya sa akin ang kanyang kabirhenan bago ako
grumadweyt sa mataas na paaralan sa aming probinsya, dahil sa ito ang aking una,
hindi pa ako ganoon ka galing sa larangan ng pagtatalik. Tanging mga porn movies
lang sa VHS at betam ax ang aking basehan. Tutal ay lipas na, ibinaling ko na lamang
ang aking atensyon sa bagong yugto ng aking buhay, ang buhay kolehiyo.
Mabilis kong nalimot ang sakit na iniwan ng aking unang kasintahan, mga isang
linggo ding laman ng aking isipan ang mapa it na iniwan ko sa aming probinsya . Dahil
sa bagong kapaligiran, klima, at maging ibang salit a o dialect ay hindi ako kaagad
naka - blend sa bago kong tirahan. M ay ilan din naman akong mga kaklase dati noong
highschool na dito din nag - aaral sa Baguio, yun ng a lang iba ang kanilang kurso.
Hindi naman ako mahirap pakisamahan, mapa - babae o lalaki ay malapit ako ngunit
dahil nga sa halos lahat ng estudyante dito ay dayo, hindi naging madali ang lahat.
"oh dito ang kwarto mo iho, pag dumating na ang mga ibang boa rders ay mag - usap usap
kayo para sa umaga ay hindi kayo nag - uunahan sa paliligo" ilan sa mga paliwanag ni
Manang Monica.
Si aling Monica ang aming landlady sa aking inuupahang kwarto. M ay kaya din naman
ang aking mga magulang kaya't kahit medyo may kamaha lan ang upa ay pinili pa rin
nilang solo ko ang isang maliit na kwarto para daw kumportable ako sa aking pag -
aaral. A ng boarding house ay may apat na silid, isang pang apatan, dalawang pang -
= Page 1 =
2
dalawahan na kung saan ay isa dito ang sinolo ko, at ang kwarto ni aling Monica. Si
aling Monica ay may asawa, si manong Bert na isang rehistradong engineer.
Hindi ako mahilig sa MILF kung tawagin, kaya naman noong panahong iyon ay hindi ko
pansin ang angking kagandahan ni manang Monica. Dahil sa lamig ng klima dito sa
Baguio ay natural lamang na maging mamula - mula ang kutis niya, buo o firm pa din
ang katawan ni manang Monica dahil sa wala pa silang anak ni manong Bert na hindi
ko alam kung bakit. Siguro ay madalas wala si manong doon ay hindi niya ito
nararasyunan at m alamang laging pagod sa trabaho.
"ako nga pala si Erick " bati ng isang boarder na baguhan din.
Tubong Pampanga si Erick , parehas kaming baguhan kaya't kami ang naging close dito
sa aming tinitirahang boarding house. Pito kaming lahat na boarders, puro la laki.
Ang ilang ay nasa higher year na, taga SLU, UB, at BCF (UC ngayon), halo - halo ang
aming mga pinagmulang probinsya. A t dahil sa ilokano ang common d ialect dito ay
kami ni Erick talaga ang naging magkasama dahil siya ay kapampangan at ako naman ay
taga log.
Hindi rin naman ako mangmang tungkol sa Baguio, alam kong madaming marijuana dito,
maraming mga babae na naghahanap ng "init" sa katawan. Ang mga kwento pa sa akin ay
parang Manila din daw dito, klima lang ang pinagkaiba at ang mga tao ay liberated
n a din. Ito ang itinatak ko sa aking isipan para sa aking simula, hindi naman ako
nagkamali dahil unang gabi pa lang ay inuman na kaagad ang aking hinarap.
"oh tagay na hehe!" sigaw pa nitong si Joel, ang pinakamatandang boader sa amin.
"hoy mga barako, w ag masyado maingay ha! matutulog na ako" wika naman ni manang
Monica habang kami ay nag - iinuman sa aming sala.
Ayos lang daw na mag - inuman kami sa bahay niya, kesa naman daw lumabas pa kami para
uminom at gumala. Baka daw kasi may mangyari pa sa amin ay s agutin pa niya kami sa
aming mga magulang. K aya naman payag siya na dito nalang sa boarding house uminom
pero dapat ay hindi maingay.
"opo manang..hehe" biro pa ni Joel na siya ring tanggero ng Ginebra noong unang
gabi namin sa Baguio.
"siguro tuyot na n aman si manang kaya masungit hehe" pabulong na biro naman ni
Tony, isa ring nakatatandang estudyante.
Apat kaming nag - inuman noong gabing iyon, wala pa ang ibang
boarders dahil hindi naman sabay - sabay ang bukas ng klase.
Nagsilbing orientatio n namin ni Erick a ng inuman, binigyan
kami ng mga "tips" ng dalawang boardmate namin. Kesyo may
magandang kapitbahay daw kami, alam daw nila ang mga
"lugar" na maganda, at maging ang pantasya nila kay manang
Monica ay hindi nakalag pas.
Kinabukasan, araw ng Linggo ay tanghali na akong nagising
dahil sa sakit ng ulo. Hindi naman kasi ako ganoon katikas
sa pag - inom ng hard drinks that time, puro beer lang
kadalasan ang aking naiinom noong highschool pa ako.
"oh Bogart kumain kana dyan..." wika ni manang Monica
nang makita akong lumabas ng aking kwarto habang
nanunuod siya ng TV sa aming sala.
Kasama sa bayad ang pagkain, package deal kung baga. Ito
ang trabaho ni manang Monica, ang magluto par a sa mga
boarder niya habang ang asawa niya ay abala sa
construction. Naka - ilang basong tubig yata ako bago ako
nahimasmasan at hindi ko din naubos ang aking umagahan.
Nagtungo ako sa kinaroroonan ni manang Monica upang
magpahinga.
"ayan, hangover ka noh? wag mo masyado sinasamahan yang mga bad influence dyan nang
hindi ka nagkakaganyan" masungit na pangaral ni manang sa akin.
= Page 2 =
3
Napangiti lang ako sa mga sermon niya, noon ko lang natitigan si manang Monica. Sa
edad niyang trenta'y singko, parang dalaga pa d in ang kanyang hubog, dahil na din
siguro sa hindi pa siya nanganganak. Dito ko na - realize ang dahilan ng mga pantasya
nila Joel at Tony. Makinis ang hita ni manang Monica, bilugan ang mga ito. Hindi
alintana ang lamig ng panahon dahil siguro'y sanay na si ya dito. Hindi ko din
napansin kagabi na may kalakihan pala ang suso niya, kagabi kasi ay nakapang - ginaw
na siya bago matulog, ngayon ay magtatanghali kaya't t - shirt na lang ang suot
niyang pang - itaas. Sa loob ko'y swerte pala si manong Bert.
"so arki pal a kinukuha mo Bogart" tanong ni manang nang kami ay magkakwentuhan.
"ah opo, pangarap ko po kasi iyon" magalang kong sagot.
"hay naku, ate Nica nalang itawag mo sa akin, yung dalawang mokong lang naman ang
nagpapatanda sa akin kaya tinatawag akong manang !" masungit na wika ni manang
Monica.
"oo nga po, di naman kayo mukhang matanda e" biro ko naman.
"aba, marunong ka pala ng mambola haha!" sagot pa niya.
Sa haba ng aming usapan, ilang mga bagay ang naging laman. Napaki - usapan kong
samahan ako ni manang Nica sa palengke at sa Session road para mamili ng ilang
gamit sa paaralan. Dahil sa bago lang ako at di gaanong kabisado ang lugar ay
pumayag naman siya. Isasama ko sana si Erick n gunit tila mas malakas ang naging
tama niya kagabi kaya't matutulog nalang daw muna siya noong hapong iyon. H indi ko
akalaing magiging malapit sa akin si manang Nica, ang unang impresyon ko kasi sa
kanya ay masungit nga. Sinamahan niya ako sa Session road upang bumili ng mga
kailangan ko sa eskwela, ganun din ang pagpapakita niya s a akin at pagtuturo kung
saan ako sasakay, san papunta ito, san matatagpuan iyon, at marami pang iba.
"ano ok na ba mga nabili mo?" tanong sa akin ni manang Nica.
"oo ate Nica, salamat po" sagot ko naman.
"ayan, ate nalang hihi! o tara na at maghahand a na ako para sa hapunan ninyo" sagot
muli ni manang Nica.
Naabutan namin ang tatlo sa sala na naglalaro ng baraha pagdating namin ng boarding
house. A s usual, bilang isang landlady ay dapat maging masungit ang dating ni
manang Nica.
"magaling magaling, kagabi beerhouse, ngayon gagawin nyong sugalan ang boarding
house??" masungit na bati ni manang Nica sa tatlo.
"manang Monica naman, wala namang perang taya oh? pitikan lang sa itlog ang
pustahan namin" birong sagot ni Joel.
"tse!" sabay tuloy ni ate Nic a sa kusina upang magluto.
Pumasok naman ako sa aking silid upang ayusin ang aking mga pinamiling gamit.
Pagkatapos nito ay lumabas din ako upang makihalubilo sa tatlo. P arang mga batang
naglalaro ang aking mga ka - boardmate, totoo ngang pitikan sa itlog a ng pustahan ng
mga kolokoy.
"puta pare dahan - dahan!" reklamo pa ni Tony nang siya ang pipitikin ni Joel.
"uy nandyan na si manang Monica oh, nakakahiya kayo" sabat naman ni Erick.
"...naku, sige ilabas nyo itlog nyo at maputol na nitong kutsilyo!" sigaw n aman ni
manang Monica habang nag - hihiwa ng rekado para sa uulamin namin sa hapunan.
Nakikinig pala siya sa mga usapan namin, tila sanay na siguro si manang Nica sa mga
kalokohan ng mga boarders niya. Ganunpaman, nang ibaling ko ang aking tingin sa
kinar oroonan niya ay nagtama ang aming mga mata. Isang malagkit na tingin ang
isinukli ni manang Nica sa akin, na hindi ko matukoy kung biro ba ito o may ibang
kahulugan.
= Page 3 =
itutuloy

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento